Bakla! Laro tayo Ms. U!!!!
Knows ko pa ang sinusuot ko nung batang yagit ako habang naglalaro kami ng mga kapatid ko ng Ms. U! Simula opening, talent portion, swimsuit at evening wear eh meron ako. Kalaban ko ang dalawa kong kapatid na girlalu. Medyo lugi ako kasi meron na silang swimsuit. Ako wala!!! Gamit ko lamang ay kumot at tuwalya. Kailangan lang kortehan... konting ikot ng tela sa shoulder, paglalagay ng sipit sa likod at konting hair pin lang meron na akong panlaban!!! Ang manalo may ice candy na merienda galing kay mother.

I'm sure nanood kayo nitong nakaraan ng Miss Universe 2008. Susme, kulang na lang gawing official holiday ang Ms. U pageant sa Pinas. Isa itong family affair. Kung tayo 3 consecutive times ng nanalo ng Ms. Photogenic eh ang U.S.A. two years in a row nang nadapa ang kandidata nila.
Di kaya kailangan na rin ng Miss U na magkaroon ng special award sa Best in Semplang?!!
Basta ako, mega wait ko si Janina para sa Ms. World on Oct. 4! Paiyakin mo lahat ng nang-api sa iyo!!!!
Basta ako, mega wait ko si Janina para sa Ms. World on Oct. 4! Paiyakin mo lahat ng nang-api sa iyo!!!!