Ma-booooooooo-HEY!

Posted by Admin on Saturday, July 19, 2008

Hello mga ateh at kuyah! OO, may isa na namang BAKLA ang chumuchorvah sa inyong kompyuter. Habang ako'y walang hanapbuhay, tatambay muna ang gandah ko dito sa world wide wev! Katulad ng mga ibang tsikadora, ang tanging hangad ko lang ay maging peymous! Hehehe!!!

Ma-booooooooo-HEY!

Saturday, July 19, 2008
0 Comments

Hello mga ateh at kuyah! OO, may isa na namang BAKLA ang chumuchorvah sa inyong kompyuter. Habang ako'y walang hanapbuhay, tatambay muna ang gandah ko dito sa world wide wev! Katulad ng mga ibang tsikadora, ang tanging hangad ko lang ay maging peymous! Hehehe!!!

Alam ko na dito may pag-asa akong maging peymous kesa pumasok sa showbiz. Tanggap ko na di ako kasing puti(putla) ni Kris Aquino, alam naman po natin na karamihan ng nasa telebisyon ngayon ay lumalaklak ng gluthathione. Ako po hindi, tanggap ko po ang kulay kong morena. Hindi rin po ako kasing tangkad ni Ate Ruppa at ang nanay ko ay di kasing taray ni Tita Anabil. Ang pamilya ko po ay wala sa industriya ng telebisyon, radyo, dyaryo o maging circus... kaya wala po akong paraan na makapasok sa "Entertainment Industry". Hindi ko rin po kayang ibenta ang aking katawan sa mga mayor, senador, gobernador pati na rin sa barangay kapteyn para lang makapasok sa "industriya". Wala po akong balak na madungisan ang aking tinatagong puri! At lalo ng hindi po ako kasing hipokrita nila Ate Boy Abunda at Kuya Kristy Fermin na kaibigan ang mga A-list na artista at ang mga D-list naman ay tao-tauhan sa kanilang enteblado. Nakapag ang A-list ang nadyadyaryo ay kailangan irespeto ang "pribadong buhay" at kapag ang D-list naman ay dapat magexplain sa mga tao dahil sila ay "public figure"!!! Lalong di ako katulad ni Maymanoy Lolit Solis na walang isang salita at integridad. Na habang tumatanda ay lalong walang natututunan! Sa pagsasayaw ay maihahalintulad ko ang aking sarili kay Rainier Castillo at ang talento ko sa pagkanta ay kasing pinagsama-samang basag-basag na tono nina Gretchen, Ara, Jessa, Jericho, Gabby, Cover Boys, Cool Chx, Kitty Girls, Viva Hot Babes at SBomb!

Ang hangad ko po lamang ay makilala dahil sa aking "angking talento" sa pang-OOKRAY!